June 6, 2002

Yoga Worker kumandidato sa pagka Punong Barangay sa JP

Jose Panganiban , C Norte, Si Edwin E. Monilla o mas kilala sa pangalang “Abhijiit" ng Barangay San Rafael, Jose Panganiban ng lalawigang ito ay isa sa mga kumakandidato bilang Punong Barangay ng kanilang Barangay.
Si Abhijiit ay isang volunteer worker. Pinanganak siya sa Barangay Motherload ng Mambulao, dating pangalan ng Lose Panganiban at nakapag asawa sa taga sitio Tumbaga, Barangay San Rafael na si Evelyn Zamora Nanoz.
Si Abhijiit ay isang dalubhasang social worker na siyang nagging instrumento para mag karoon ng limang hektaryamg donasyon ang pamilya ni Dra. Marilou Inocalla para sa “Balik Paraiso” o Master Unit. Sa pamamagitan ni Abhijiit nagkaroon ng projecting patubig o water supply, mass feeding sa kanilang day care center, vegetable gardening, sa kanilang integrated farming community.
Sa kanyang pangunguna marami ng natangap na parangal at premyo ang kanilang kumunidad mula sa mga non governmental organizations at maging sa ating pamahalaan tulad ng first placer sa 2000 Awarding for Gulayan sa barangay na nilunsad ng pamahalaan panglalawigan ng Camarines Norte. Sa taong kasalukuyan, muli na naman nanalo sila sa paligsahang ito.
Si Abhijiit ay kasalukuyang Purok Chairman ng Street/watch Movement at marami siyang makabagong ideya para sa ikauunlad ng kanyang Barangay. Bagamat mukhang batang bata, si Abhijiit ay 34 anyos na at siya ay hasang hasa na sa pagkakawanggawa at bilang lider sibiko. Nagsimula siyang nag trabaho sa isang model farm noong 1994. Malaking pakinabang para sa kanyang barangay ang nasimulan na niyang mga linkages o pakipagtulungan sa mga malalaking korporasiyon at ahensiya ng pamahalaan at local man.
Maging sa may ari ng malaking lupain sa san Rafael. Hindi mahihirapan si Abhijiit na makahingi ng tulong para sa kanyang barangay at nasasakupan kung ito ay bibigyan nila ng pagkakataon na makapagsisilbi bilang barangay kapitan.

0 comments:

Post a Comment

 
Views expressed may not represent those of the Ang Katipunan ng mga Samahang Maharlika. © Ang KaSaMa Inc. 2012. All rights reserved.